31st Civil Registration Month

Sa mga nagtatanong kung kelan isasagawa ang Second Phase ng National ID Registration, mag antay lang po ng text galing sa PhilSys/PSA.

Huwag po muna kayong pumunta dito sa munisipyo para hindi po masayang ang pamasahe nyo.

Bukod sa text galing sa PSA, kami po ay maglalathala dito sa aming fb page kung simula na ang Second Phase.

Ang LGU Bula po ay tumutulong lang (serves as logistics) sa PhilSys/PSA upang maisagawa ang programa ng National ID.Mangyari lang pong pakisabihan ang lahat na “nainterview” sa balitang ito o ishare ito sa inyong page para malaman ng lahat.Salamat po.

LAHAT po ay magkakaroon ng National ID, antayin lang po natin ang PSA Representative na personal kayong puntahan sa inyong tahanan at personal kayong mainterbyu.

Kung wala po kayo, antayin na lang po natin ang kanilang pagbalik.Salamat pong muli.