Bula Search for Ginang ng Pantawid Photo Liking Contest

Mga ka-Pantawid, narito na ang pinakahihintay nating “Search for Ginang ng Pantawid” sa kauna-unahang pagkakataon dito sa Bula, Camarines Sur. Ang mga kasali ay Pantawid grantees galing sa 8 barangay ng nasabing munisipyo. Ang mga kasali ay mga Pantawid grantee na taglay nga naman ang kompyansa sa sarili at gandang Bulaeña.

Layunin ng aktibidad na ito na maipakita ang talino, talento, kompyansa sa sarili at pagkakaisa at suporta ng ating mga Pantawid grantees. Kaya naman, ang mga ginamit sa “costume” na ito ay gawa sa “recycled materials” na pinagtulong-tulongang gawin ng ating mga ka-Pantawid. Likas nga naman ang pagkamalikhain ng mga taga Bula, diba?

Tandaan: Ang pagbilang ng boto ay hanggang September 2, 2022, 3pm lamang.