Requirements sa mga pauwing Bikol hindi na MANDATORY (FOR 2 WEEKS)

Noong nakaraang linggo po ay inilabas ng IATF ang Resolution No. 101 kung saan hindi na required ang medical certificate, travel authority, RT-PCR test, at quarantine sa lahat ng babyahe na walang sintomas ng COVID-19. Ngunit ayon din sa resolution na ito, maaari pa ring mag-require ang mga LGU kung mamarapatin nito.

Para sa ating probinsya, minarapat po naming magkaroon ng 2 linggong trial period, simula ngayong araw, para sa nasabing resolution. Ibig sabihin po, dalawang linggong hindi kami magre-require ng medical certificate, travel authority, RT-PCR test, at quarantine sa lahat ng papasok sa CamSur. Sa loob po ng 2 linggong ito ay oobserbahan at aaralin namin ang magiging epekto nito sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating probinsya.

Sa kabila nito, wag kalilimutang mag-ingat palagi at sumunod sa standard safety protocols natin kontra sa COVID-19.

Ilan sa mga mahahalagang bahagi ng EO 1 s 2021:

Section 3b. All passengers arriving at the Naga Airport shall be required to undergo routinary medical check up or assessment and/or RDT/ANTIGEN TESTING , before they will be allowed to go outside of the airport. Those who exhibited COVID-19 signs and symptoms shall be required to undergo a 14-day quarantine.

Section 4.​ Border Control and Checkpoints. The checkpoint at the border in Del Gallego shall remain and be maintained. All passengers shall be assessed, their temperature shall be taken, and shall undergo RDT or ANTIGEN TESTING. Passengers who are exhibiting symptoms and/or tested positive shall undergo a mandatory 14-day quarantine.

SOURCE: Province of Camarines Sur